Yea... Alam mo ba na kakaiba ang 'yong ganda saking mga mata At wag ka nang mahihiya pagkat hiwaga 'yong dala-dala Tila bulaklak ang 'yong halimuyak At sa bawat sulyap mo'y langit ay kumikislap Di mo na kailangang mag-alala Sa 'tsura mo aking sinta Ikaw ay kakaiba Ano mang anggulo, kahit san mang banda Di na kailangan ng kolorete pa Pagkat sapat na ang 'yong tunay na ganda 'Yong tunay na ganda At kahit tigyawatin pa ang 'yong mukha Mapapayat man o mataba Anong hugis ng ilong o mata Kulay ng iyong balat at iba pa Nakikita mong mali sayo Ay perpekto para sakin 'to Yan ang gusto ko na malaman mo, di nagbibiro Alam mo ba na kakaiba ang 'yong ganda saking mga mata At wag ka nang mahihiya pagkat hiwaga 'yong dala-dala Tila bulaklak ang 'yong halimuyak At sa bawat sulyap mo'y langit ay kumikislap