Kishore Kumar Hits

Feel Day - Karamdaman lyrics

Artist: Feel Day

album: Karamdaman


May kumakalat na karamdaman sa paligid
At walang gumagaling
Sabi nila, pagka tinamaan ka, iinit
At sabay ding lalamig
Hala ka, ayan na, hindi mo ba makita?
Hindi namamalayan na padahan-dahang may nag-iiba
Huli na at 'di na mapigilan
Tuluyan nang nagbago ang aking nadarama
At 'di ko alam, 'di ko alam kung pa'no nga nangyari
Ba't ikaw na lang, ikaw na lang ang nasa isip ko?
At wala na bang magagawa sa ganitong karamdaman?
Delikado na ang nadarama sa 'yo

'Di ko inisip na mahahawa pa 'ko dito
Akala ko, matibay na 'ko, whoa-oh
Pero nakita kita, at walang tumalab na gamot
Dumeretso ka sa puso
At 'di ko alam, 'di ko alam kung pa'no nga nangyari
Ba't ikaw na lang, ikaw na lang ang nasa isip ko?
At wala na bang magagawa sa ganitong karamdaman?
Delikado na ang nadarama sa 'yo

Sana kumalat pa ang karamdamang ito
Sana mahawa ka, para pareho tayo
Sana kumalat pa ang karamdamang ito
Sana ibigin mo rin ako
Hindi ko nga alam kung pa'no nga nangyari
Ba't ikaw na lang, ikaw na lang ang nasa puso ko?
At wala na nga talagang magagawa sa karamdaman
Ikaw lang ang, ikaw lang ang sagot
Ikaw lang ang, ikaw lang ang gamot

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists