Kishore Kumar Hits

Arthur Miguel - paraiso lyrics

Artist: Arthur Miguel

album: paraiso


'Di ko maintindihan aking nararamdaman
Hinihintay na lang, mga oras ay lumipas
'Di alam ang gagawin, para bang may kulang sa 'kin
Ano nga ba ito? Ako ay nalilito
Tila lumulutang sa dagat na walang hanggang
Patungo sa kung saan ako'y masasaktan
Oh, para bang isang paraisong ako lamang ang nandito
Kasama ang aking kalungkutan
'Di nila alam, 'di naman kasi nila alam
Ang nasa likod ng bawat ngiti at tawang pansamantala
'Di nila alam, 'di nila maiintindihan
Ang mga gabing ikaw ay nag-iisa at labis na nasasaktan

Sugatang damdamin ang dala gabi-gabi
Hayaan mo na lang, panahon ay lumilipas
Pilitin mong ipikit ang matang kumakapit sa mga luha
Baka sakaling ito ang lunas
Limutin na ang kahapon at pagbigyan ang kamay ng oras
Makakamit mo rin ang wakas
Dito sa paraisong ako lamang ang 'yong gabay
Kasama ng aking kalungkutan
'Di nila alam, 'di naman kasi nila alam
Ang nasa likod ng bawat ngiti at tawang pansamantala
'Di nila alam, 'di nila maiintindihan
Ang mga gabing ikaw ay nag-iisa at labis na nasasaktan
'Di nila alam, 'di naman kasi nila alam
Ang nasa likod ng bawat ngiti at tawang pansamantala
'Di nila alam, 'di nila maiintindihan
Ang mga gabing ikaw ay nag-iisa at labis na nasasaktan
Hmm-mmm, ooh-ooh-ooh, hmm
'Di nila alam ang mga gabing ikaw ay nag-iisa at labis na nasasaktan

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists