Sadya pala talagang ganyan Palakad-lakad ka't nakatungo Sa'n patungo? Ngayong wala ka na Kailangan masanay na muling nag-iisa Sa'n ka na kaya? 'Wag mo akong sisihin Kung minsan, ika'y hanapin Ito ang unang araw na wala ka na Ito ang unang araw na wala ka na Nasanay lang sigurong nand'yan ka 'Di ko inakalang pwede kang mawala Ayan na nga Nababato, nalulungkot Luha'y napapawi ng singhot At talukbong ng kumot 'Wag mo akong sisihin Kung minsan, ako'y iyakin Ito ang unang araw na wala ka na Ito ang unang araw na wala ka na Oh, ito ang unang araw na wala ka na Ito ang unang araw na wala ka na