Kishore Kumar Hits

Ebe Dancel - Bayani Ka Ng Mundo - From "Bagani" lyrics

Artist: Ebe Dancel

album: Bayani Ka Ng Mundo (From "Bagani")


Kung gabi ay madilim
Ang langit ay makulimlim
Kapit lang, pag-asa tayo ng isa't isa

Ang 'yong lakas, aking lakas
Ang puso mo ay puso ko
Sabay nating babaybayin ang mundong ito
At hindi mananaig ang takot at galit
Hangga't iisa ang ating hangarin
Walang pagsubok na hindi kakayanin
Sa hawak mong kapangyarihan, ipagtanggol ang kabutihan
Maghahari ang kapayapaan
Dahil 'di ka sumusuko sa gitna ng gulo
Bayani ka ng mundo, oh-oh

Araw-araw, kaya mong maging bayani
Kung may madapa ay iyong tulungang bumangon muli
Sa malasakit mo sa kapuwa
'Di ka mag-iisa
Ang 'yong lakas, aking lakas
Ang puso mo (ang puso mo) ay puso ko (ay puso ko)
Sabay nating babaybayin ang mundong ito
At hindi mananaig ang takot at galit
Hangga't iisa ang ating hangarin
Walang pagsubok na hindi kakayanin
Sa hawak mong kapangyarihan, ipagtanggol ang kabutihan
Maghahari ang kapayapaan
Dahil 'di ka sumusuko sa gitna ng gulo
Bayani ka ng mundo, oh-oh

Hangga't iisa ang ating hangarin
Walang pagsubok na hindi kakayanin
Sa hawak mong kapangyarihan, ipagtanggol ang kabutihan
Maghahari ang kapayapaan
Dahil 'di ka sumusuko sa gitna ng gulo
Bayani ka ng mundo
Bayani ka ng mundo
Bayani ka ng mundo

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists