Bago magtagumpay, kailangan munang sumablay Sa mga binabato ng buhay, kasama ang aray Padayon Padayon Sikmura'y sumusuko, nagrereklamo, kumakalam 'Di nakakabusog ang pangarap, sadyang walang laman Kumayod lang nang kumayod, huwag kang aayaw Kahit walang makapitan, huwag kang bibitaw Kasama sa tagumpay, tamang daan at gabay Sa mga taong nagbigay ng buhay, anuman ang kulay Padayon Padayon Tuloy ang ikot ng mundo, pasan mo man ito Sakyan mo lang ang alon, anumang laki nito Guhit na'ng ating bukas, huwag kang aatras 'Di tayo pababayaan, mas malakas ang nasa taas Abot ang tagumpay dahil sa dalawang kamay Sa hirap ng biyahe ng buhay, matutong sumakay Abot ang tagumpay dahil sa dalawang kamay Sa hirap ng biyahe ng buhay, matutong sumakay Padayon (padayon, padayon) Padayon (padayon, padayon) Nadapa, sugatan, nagwala, nabigo Nalito, lumayo, lumubog, tumayo Bukas ay may panibagong yugto Tamang oras na nakalaan sa 'yo Abot ang tagumpay dahil sa dalawang kamay Sa hirap ng biyahe ng buhay, matutong sumakay Abot ang tagumpay dahil sa dalawang kamay Sa hirap ng biyahe ng buhay, matutong sumakay Whoa-oh-oh-oh-oh-oh (ay-ay-ay-ay-ay-ay-ay-ay-ay-ay-ay-ay) Padayon (patuloy ang laban) Padayon