Madilim ang araw Ang daan ay tila walang hangganan Kung walang gabay, kailan kaya makakauwi? Sa buhay na bangungot Ginapos ang puso't isip 'Di makapiglas, dinggin ang aking tangis Bukas makalawa, sana bukas makawala Sa pasaning binuhat mag-isa Sana bukas makawala Ah-ooh, ah-ah-ooh, ah-ah-ooh Ah-ooh, ah-ah-ooh, ah-ah-oh Ano ang katotohanan? Sino ang paniniwalaan? Ano'ng mapapala sa aking hinagpis? Bawat hakbang papalapit Ay dal'wang hakbang papalayo Paulit-ulit lang, pagbubuntong-hininga Bukas makalawa, sana bukas makawala Sa eksenang nakabisa Sana bukas makawala Ah-ooh, ah-ah-ooh, ah-ah-ooh Ah-ooh, ah-ah-ooh, ah-ah-oh ♪ Oh-oh-oh-oh Bawat pasanin, ilalatag (sa 'yong paanan) Saliw ng 'yong pag-ibig ay aking Oh, aking, aking Oh, aking sasabayan Bukas makalawa Bukas makakawala