May makikinig ba kung ako ang magsasalita? May halaga ba ang boses ng isang maralita? Kung sino man ang nakakarinig mapagbibigyan mo ba ako? Nawa'y 'di madagdagan ang pasaning 'kinadukha ko ♪ Isang trahedya ang mawalan ng kaluluwang tao ♪ May lunas ba kung ako na ang naghanap? May halaga ba sa 'yong mundo ang kalagayan ko, kalayaan ko? Kung ako ay 'yong naririnig, 'di sana tila istorbo Nawa'y 'di madagdagan ang pasaning 'kinadukha ko ♪ Isang trahedya ang mawalan ng kaluluwang tao ♪ Nawa'y 'di madagdagan ang pasaning 'kinadukha ko ♪ Isang trahedya ang mawalan ng kaluluwang tao, tao ♪ Sa likod ng pagod na mata Pira-pirasong pangarap Sa dulo kaya ng lahat May saysay bang balikan? Bigyan mo ako ng dahilan Bigyan mo ako ng dahilan Bigyan mo ako ng dahilan Bigyan mo ako ng dahilan