Ang buhok mo'y parang gabing numinipis Sa pagdating ng madaling-araw Na kumukulay sa alapaap Ang ngiti mo'y parang isang tala Na matagal na ang kinang Ngunit ngayon lang nakita kung kailan wala na Kailan kaya mahahalata Ang pighati sa ilalim ng iyong mga tawa? Kahit mawala ka pa Hinding-hindi mawawala Ang damdamin ko'y sa 'yong sa 'yo Ang buhay mo'y parang kandila na Pumapawi sa kadiliman ng gabing puno Ng dalita at ng lagim Bawat segundo ay natutunaw Tumutulo parang luha Humuhugis na parang mga puting paruparo Kailan kaya mahahalata Ang pighati sa ilalim ng iyong mga tawa? Kahit mawala ka pa Hinding-hindi mawawala Ang damdamin ko'y sa 'yong sa 'yo Sa 'yong sa 'yo Sa 'yong sa 'yo Sa 'yong sa 'yo Sa 'yong sa 'yo Ni isang beses ay hindi pa 'ko Nakakakain ng paruparo Ngunit tila bakit ang sikmura ko'y puno? Saka ko naalala na noon Nang una kong masabi ang pangalan mo Nakalunok ako, kaya siguro? Kailan kaya mahahalata Ang pighati sa ilalim ng iyong mga tawa? Kahit mawala ka pa Hinding-hindi mawawala Ang damdamin ko'y sa 'yong sa 'yo Sa 'yong sa 'yo Sa 'yong sa 'yo Sa 'yong sa 'yo Sa 'yong sa 'yo