Kishore Kumar Hits

ambo dolores - Di Bale Na lyrics

Artist: ambo dolores

album: Di Bale Na


'Di na umaasang babalik ka
Babalik ka, 'di bale na
'Di na umaasang makita ka
'Di bale na
'Di mo na kailangang magpaliwanag kung aalis ka na
Saan pa ba mapupunta kung lagi na lang ba
Inaabot ng gabi kahit wala namang dahilan
Magdamag ka nang wala, at wala na 'kong paki alam
Sino'ng lolokohin mo? Hindi na 'ko bata ('di na 'ko bata)
Ano ba ang akala mo sa 'kin ba'y wala lang? (Sa 'kin ba'y wala lang?)
Magaling ka lang magsalita, wala ka namang nagagawa
Simula pa lang, dapat talaga hindi na 'ko nagtiwala
'Di na umaasang babalik ka
Babalik ka, 'di bale na
'Di na umaasang makita ka
'Di bale na
No'ng una, dahan-dahan pa tayong naglalakad, hawak-kamay (hawak-kamay)
Wala tayong pakialam sa kanila
Ngayon nama'y ang pinsalang tinataglay (tinataglay)
Tuluyan nang maghihilom 'pag tayo ay nagkahiwalay
Sino'ng lolokohin mo? Hindi na 'ko bata ('di na 'ko bata)
Ano ba ang akala mo sa 'kin ba'y wala lang? (Sa 'kin ba'y wala lang?)
Magaling ka lang magsalita, wala ka namang nagagawa
Simula pa lang, dapat talaga hindi na 'ko nagtiwala
Biglang nadama ang kirot
Wala na, wala ka na
Kailangan ko nang lakasan ang aking loob
Wala na, wala ka na

'Di na umaasang babalik ka
Babalik ka, 'di bale na
'Di na umaasang makita ka
'Di bale na
'Di na umaasang babalik ka (babalik ka)
Babalik ka (babalik ka), 'di bale na ('di bale na)
'Di na umaasang makita ka (makita ka)
'Di bale na ('di bale na, 'di bale na)
'Di bale na ('di bale na), 'di na umaasa
'Di bale na ('di bale na)
'Di bale na ('di bale na), 'di na umaasa
'Di bale na ('di bale na)

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists