Nandiyan ka pa ba? Inaalala ko'ng lahat para sa 'ting dalawa 'Di magsasawa kung may pag-asa Na magbabalik sa 'kin, sinta Alam kong kay hirap na bitawan siya, hmm Pero kung maari lang ay puwede bang bumalik ka? Kung saan ang mundo'y parang umiikot lang At sabay ang tibok ng ating pagmamahalan Lalapit, hahawakan at 'di na bibitaw Babalik sa mundong ang naghilom ay ikaw ♪ Nandiyan ka pa ba? Inaaninag ang kislap ng pag-ibig sa 'yong mata At kung wala na Maghihintay at hihinga hanggang sa dumilat ka Alam ko na nariyan ka, gumising at bumangon Tahan na, tahanan mo'y sa piling ko, ooh Kung saan ang mundo'y parang umiikot lang At sabay ang tibok ng ating pagmamahalan Lalapit, hahawakan at 'di na bibitaw Babalik sa mundong ang naghilom ay ikaw Nandiyan ka pa ba?