Magdamag nakatitig sa 'yong mata Tulala, hindi maisip kung pa'no pa Ako magmamahal ng isang tulad mo Wala namang alam tungkol sa bagay na 'to Hindi ko rin alam bakit ako gan'to Sa 'yo lang naramdaman, oh-oh-oh Ang daming nagsasabi na hindi pa daw handa Ang sabi ko naman, hindi na tayo pabata Paano ba? Paano ba Ang magmahal nang tunay? Alam kong 'di maganda ang pag-ikot ng mundo Pero 'pag kasama ka, hindi masyadong magulo Paano ba? Paano ba Ang magmahal nang tunay? Puwede bang sabihin mo na? Puwede bang sabihin mo na? Puwede bang sabihin mo na? Iba ang nararamdaman kapag ikaw ang katabi Hindi ko na alam ang aking gagawin Masyado nang nalilibang Laging nakangiti kapag ika'y dumadaan Ang sabi nila sa 'kin, 'wag daw magpakatanga Sa pag-ibig daw ay wala namang mapapala Wala akong pakialam sa sinasabi ng iba Ang importante sa 'kin, alam mong mahal kita Ang daming nagsasabi na hindi pa daw handa Ang sabi ko naman, hindi na tayo pabata Paano ba? Paano ba Ang magmahal nang tunay? Alam kong 'di maganda ang pag-ikot ng mundo Pero 'pag kasama ka, hindi masyadong magulo Paano ba? Paano ba Ang magmahal nang tunay? ♪ Ang daming nagsasabi na hindi pa daw handa Ang sabi ko naman, hindi na tayo pabata Paano ba? Paano ba Ang magmahal nang tunay? Alam kong 'di maganda ang pag-ikot ng mundo Pero 'pag kasama ka, hindi masyadong magulo Paano ba? Paano ba Ang magmahal nang tunay? Paano ba? (Puwede bang sabihin mo na?) Paano ba? (Puwede bang sabihin mo na?) Paano ba? Paano ba Ang magmahal nang tunay? Paano ba? (Puwede bang sabihin mo na?) Paano ba? (Puwede bang sabihin mo na?) Paano ba? Paano ba Ang magmahal nang tunay? Oh-whoa