(Intro) Oh Hesus Ika'y tapat Ang biyaya Mo'y sapat At hindi masukat ang kabutihan Oh Hesus walang hanggan Ang pag-ibig Mong laan At walang katulad ang kabanalan Ako ay pinili di mawari Upang magpuri sa aming Hari Buhay inalay Mo Aming Panginoon At ang 'Yong dugo'y umagos sa krus Ikaw ang naging kabayaran Buhay ilalaan Sa'Yo Manunubos Panginoon Ang 'Yong Salita'y panghahawakan Ikaw ay paglilingkuran Kay Hesus ay naligtas Sa poot ng Diyos Ama Ang Banal na Espiritu'y napasa-amin Kalooban ng Ama Si Hesus ay mamatay Siya'y inilibing muling nabuhay Ako ay pinili di mawari Upang magpuri sa aming Hari Buhay inalay Mo Aming Panginoon At ang 'Yong dugo'y umagos sa krus Ikaw ang naging kabayaran Buhay ilalaan Sa'Yo Manunubos Panginoon Ang 'Yong Salita'y panghahawakan Ikaw ay paglilingkuran Baguhin Mo Ama Tuwirin mga gawa Kasapatan ko nawa'y matagpuan Sa Iyo Banal na Espiritu Ako ay lingapin Mo At gawin Mo ring kawangis ni Hesus Baguhin Mo Ama Tuwirin mga gawa Kasapatan ko nawa'y matagpuan Sa Iyo Banal na Espiritu Ako ay lingapin Mo At gawin Mo ring kawangis ni Hesus Buhay inalay Mo Aming Panginoon At ang 'Yong dugo'y umagos sa krus Ikaw ang naging kabayaran Buhay ilalaan Sa'Yo Manunubos Panginoon Ang 'Yong Salita'y panghahawakan Ikaw ay paglilingkuran