Lahat ng nahihirapan at nabigatang lubha Lahat ng nagnanais ng lunas sa luha Lahat ng may takot at pangangamba Ito ang Kanyang paanyaya Kapayapaan Niya'y laan sa'yo Katahimikan sa gitna ng gulo Lahat ng nauuhaw at hindi makuntento Sa mga binibigay ng mundong ito Kanyang paanyaya kalakip ay kasapatan Tila isang batisang hindi nauubusan Pasanin Niya ay magaang dalhin Ibigay mo na iyong mga dalahin Di man makalimot sa sakit na naidulot Ng iyong kahapong hindi naging marahan Kanyang paanyaya'y kalakip ay kagalingan Dalay bagong puso sa Kanya'y maiingatan Kanyang Kamay ay makapagyarihan Hinding hindi ka Niya pababayaan Dinggin mo ang Kanyang paanyaya Kapahingahan Kanya'y sagana Lumapit ka't ika'y malaya Sabihin ang 'yong nadarama Bigat na iyong dala-dala Dalhin lamang sa Kanyang mga paa Lumapit ka't 'wag mag-alala Siya ang iyong pahinga Dinggin mo ang Kanyang paanyaya Kapahingahan Kanya'y sagana Lumapit ka't ika'y malaya Sabihin ang 'yong nadarama Bigat na iyong dala-dala Dalhin lamang sa Kanyang mga paa Lumapit ka't 'wag mag-alala Siya ang iyong pahinga Paanyaya