Saan man dalhin ng lakbayin Pangako mo ikaw ay akin Ako' lumakad man Sa lilim ng kamatayan Anong pangangamba? Sa pag lisan ng hinahon Kapayapaan mo'y tugon Kasamang sumayaw sa sinag ng araw Kasamang lumuha sa ulang di tumitila Sa bawat oras ay ika'y aking Kalakbay Sa ligaya't pagkalumbay, hawak mo aking kamay Matibay na kanlungan Sa panahon ng kaguluhan Sa pagbagsak at pag ahon Humampas man mga alon Hindi mangangamba Sa oras ng alinlangan Mga pangako mo'y laan Kasamang sumayaw sa sinag ng araw Kasamang lumuha sa ulang di tumitila Sa bawat oras ay ika'y aking Kalakbay Sa kabiguan at tagumpay Hawak mo aking kamay Hawak mo aking kamay Sa kadiliman man o liwanag ikaw ang gabay Pagsama at presensya mo'y walang kapantay na kalakbay Wala kang kapantay Kasamang sumayaw sa sinag ng araw Kasamang lumuha sa ulang di tumitila Sa bawat oras ay ika'y aking Kalakbay Kaibigan kang tunay, Hawak mo aking kamay Hawak mo aking kamay Hawak mo aking kamay