Pagdungaw sa bintana Ika'y 'di na makita Hindi na umaasa Na babalik sa dati ang matagal nang nawala 'Yan ang gusto mo, 'di ba? 'Di na tayo bata Para maglaro ng mataya-taya Kailangang dumistansya Hirap lang ipigil kung may nadarama Pinto'y nakasara pero 'di nakakandado Sana'y alam mong mahal kita At langit sa piling mo, sana'y 'di nagbago Nangangarap, kung maibabalik sa simula Lahat uulitin ko, 'di nagsisisi sa 'yo, ohh Ooh-ooh-ooh Ooh-ooh-ooh Pinto'y nakasara sa huling patak ng luha Tuloy pa rin ang ikot ng mundo Tanggapin na may hangganan Hindi pipilitin kung 'di sa ating dalawa Pinto'y nakasara pero 'di nakakandado Sana'y alam mong mahal kita At langit sa piling mo, sana'y 'di nagbago Nangangarap, kung maibabalik sa simula Lahat uulitin ko, 'di nagsisisi sa 'yo, ohh 'Di maghihintay, kung babalik pag-ibig 'Di mahihimlay, kung babalik pag-ibig 'Di maghihintay, kung babalik pag-ibig 'Di mahihimlay, 'di mahihimlay Sana'y alam mong mahal kita At langit sa piling mo, sana'y 'di nagbago Nangangarap, kung maibabalik sa simula Lahat uulitin ko, 'di nagsisisi sa'yo