Ikaw ay nagtago Sa liwanag ng mundo Noong puso'y nasaktan At iniwang sugatan Ika'y nabilanggo Sa pait na natamo At 'di mapakawalan Ang tanong sa isipan Paano kung muli lang mabigo? 'Wag kang tumakbo papalayo Sa iyong nakaraan Ako ang lunas at daan Upang iyong mabalikan Ang muli pang magmahal Lahat ng duda't alangan Aalisin ko't iibsan 'Pagkat ikaw ang dahilan Na ako'y muling magmamahal ♪ Ako'y minsan na ring Nadala sa panaginip Na walang katapusan Lahat ng nasimulan Ngayo'y humahakbang Pabalik sa sinag ng Pag-ibig kung saan ikaw Ang siyang natatanaw 'Wag sanang tumakbo papalayo Hindi ka na muling mabibigo Sa iyong nakaraan Ako ang lunas at daan Upang iyong mabalikan Ang muli pang magmahal Lahat ng duda't alangan Aalisin ko't iibsan 'Pagkat ikaw ang dahilan Na ako'y muling magmamahal ♪ Lahat ng takot na sa atin Bumabalot, palayain Na sa kawalan 'Wag nang mag-alinlangan ♪ Magagawang takasan ang mundo Kung magkasama tayong tatakbo Sa iyong nakaraan Ako ang lunas at daan Upang iyong mabalikan Ang muli pang magmahal Lahat ng duda't alangan Aalisin ko't iibsan 'Pagkat ikaw ang dahilan Na ako'y muling magmamahal Lahat ng takot na sa atin Bumabalot, palayain Na sa kawalan 'Wag nang mag-alinlangan Hayaan ang pusong bitiwan Ang kasawiang naranasan At tayo'y sumugal At subukang magmahalan