Hindi ko alam kung pa'no napunta dito Bakit biglang ikaw ay lumalayo? Hanggang dito na lang ba? Maiiwan na bang nakatago? Sa mga alaala, ang dating 'di na maibabalik Oh, 'di kailangang sa'kin lang ang iyong mundo 'Wag lang hayaang 'di alam sa'n 'to patungo Aanhin pa ang mga halik Kung ang lahat ng ito Ay wala rin lang sa'yo ♪ Ang dating makulay, ngayon, bakit ang labo? Wala pang humpay ang mga pagtatalo Hanggang dito na lang ba? Narating na ba natin ang dulo? Gayunpama'y umaasang magbabalik Oh, 'di kailangang sa'kin lang ang iyong mundo 'Wag lang hayaang 'di alam sa'n 'to patungo Aanhin pa ang mga halik Kung ang lahat ng ito Ay wala rin lang sa'yo Yayakap sa akin nang walang pag-ibig Ang dating kay init, bakit nanlamig? Kung hanggang dito na lang 'Wag mo nang idaan Sa kunwa-kunwarian, bakit 'di subukan Na ang dati pang ibalik ♪ Oh, 'di kailangang sa'kin lang ang iyong mundo 'Wag nang hayaang 'di alam sa'n 'to patungo Aanhin pa ang mga halik Kung ang lahat ng ito Ay tuluyang maglalaho Kung ang lahat ng ito Ay bigla mong ihihinto Kung ang lahat ng ito ay hanggang dito na lang sa iyo