Ooh, whoa Sa dami ng aking naranasan Tila ba nalimot ng makaramdam Palagi na lang tinatakasan Ang pait na dulot ng nakaraan Ngunit lahat ay nag-iba Nang ika'y makilala na At bumabalik sa umpisa At puno ng kaba Puso ko ay umurong bigla O nalilito na sa aking nadarama Hindi ko alam kung pa'no nangyari 'Di ko mawari ang nilalaman ng puso T'wing nakikita ka'y may ligaya Laging ikaw ang syang hinahanap Tanging ikaw ang nais makasama dito Sa aking pag-iisa Pilit ko mang bawiin Ako'y isang alipin Nang pagsintang hindi magmamaliw Matapos lahat ng napagdaanan Umaasa pa rin na muling mapagbigyan Ilang ulit mang sabihing bawal Sa sigaw ng puso ay walang laban Dahil lahat ay nag-iba Nang ika'y makilala na At bumabalik sa umpisa O nalilito na sa nadarama Hindi ko alam kung pa'no nangyari 'Di ko mawari ang nilalaman ng puso T'wing nakikita ka'y may ligaya Laging ikaw ang syang hinahanap Tanging ikaw ang nais makasama dito Sa aking pag-iisa Pilit ko mang bawiin Ako'y isang alipin Nang pagsintang hindi magmamaliw Ooh-oh, woah-oh-woah-oh Kahit na isang umaga Magising na lang sa katotohanan Na ako't ikaw ay 'di tinadhana Kahit na walang pag-asa 'Di ako maghahanap ng iba Sapagkat nakita na Ang nais makapiling at iibigin Nang buo't wagas hindi man mapansin Hindi ko alam kung pa'no nangyari 'Di ko mawari ang nilalaman ng puso T'wing nakikita ka'y may ligaya Laging ikaw ang syang hinahanap Tanging ikaw ang nais makasama dito Sa aking pag-iisa At kung ako'y palarin Na ikaw ay maging akin Ang pagsinta'y hindi magmamaliw Ang pagsinta'y hindi magmamaliw Oh-oh, woah Oh-oh, woah