Nahihilo akong kasama siya Patay sindi ang daloy ng trip niya Nanlilisik kung tumingin Minsan nama'y naglalambing Di ko makuha kung ano bang gusto niya na aking gawin Sa kabig ng unang salita Ang puso ko ay nabihag niya Pag nagtaray siya, alam na Heto ako at makikiramdam Siya'y sala sa init at lamig Gayunma'y hindi ipagpapalit Ang meron ako sa kanya Kahit na parang siya ay walang pakialam ♪ Pag kasama ko siya Ang mundo ko'y may kulay Pero pag tinetext na, hindi nagrereply Di ko mabasa mga tingin niya Kung makayakap akala mo kami na Atras abante man ang tema Isang ngiti niya lang ay okay na Sa kabig ng unang salita Ang puso ko ay nabihag niya Pag nagtaray siya, alam na Heto ako at makikiramdam Siya'y sala sa init at lamig Gayunma'y hindi ipagpapalit Ang meron ako sa kanya Kahit na parang siya ay walang pakialam Ohhh ♪ Sa kabig ng unang salita Ang puso ko ay nabihag niya Pero bakit parang siya ay walang pakialam Siya'y sala sa init at lamig Nakuha pa niya 'kong ipagpalit Kaya ngayon ako naman ang sa kanya ay walang paki Alam ko na wala nga siyang pakialam ♪ Walang pakialam Wala Walang pakialam