Kishore Kumar Hits

Up For Byes - Hintay lyrics

Artist: Up For Byes

album: Hintay


Magdamag naghihintay sa'yong pag-uwi
Baka sakaling maisipan mo namang ako'y pansinin
Nagaabang nakatitig nanaman tayo sa kawalan
Nananaginip sa mga bagay na hindi maaatim

Hindi ba't ikaw din ang nagsabing
Hinahanap mo ang puso mo
Ako nama'y maghihintay sa tamang panahon
Huhulaan ba ang nagbubulungang labi
Na sinisigaw sa likod ng aking isip
Kasi hindi pa kayang tanungin
Kahit alam naman ang sasabihin
Dumaan ka nanaman sa panaginip kagabi
Baka sakaling sa pagmulat ika'y makatabi
Tumatakas ang mga letrang gusto kong pakawalan
Bawat minuto'y sinasayang sa walang katuturan
Hindi ba't ikaw din ang nagsabing
Hinahanap mo ang puso mo
Ako nama'y maghihintay sa tamang panahon
Huhulaan ba ang nagbubulungang labi
Na sinisigaw sa likod ng ating isip
Kasi hindi pa kayang tanungin
Kahit alam mo na ang sasabihin

Huhulaan ba ang nagbubulungang labi
Na sinisigaw sa likod ng atin isip
Kasi hindi pa kayang tanungin
Kahit alam naman ang sasabihin
Huhulaan ba ang nagbubulungang labi
Na sinisigaw sa likod ng atin isip
'Di ko pa kayang tanungin
Kahit alam mo na ang sasabihin

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists