Kishore Kumar Hits

Paul Arcega - Patangay lyrics

Artist: Paul Arcega

album: Patangay


Ikaw na naman, bakit ba sa isip ko'y 'di ka na nakawala?
Nakatulala na para bang nasa langit ang aking kaluluwa
Lumilipad patungo sa kalawakan na ikaw lang nakakaalam
Magbago kaya ang takbo ng aking buhay kung damdamin ilalahad?
Gumagalaw ang oras, 'wag ka nang magsayang
Kapag lumipas, walang babalikan
Lumalalim ang gabi sa gitna ng kawalan
Patangay mo na sa hangin ang laman ng puso mo
Oh, whoa
Oh, whoa
Oh, whoa
Mahal kita
Mukhang 'di mo alam dahil 'di mo mahalata
Ako'y naghihintay, baka lang pareho tayo ng nararamdaman
Oh, wala naman ding masama kung ako'y susugal
Subukan ko lang, alam kong hindi sigurado
Oh, kumapit ka man o hindi
Sa huli, talo pa rin, kukunin na lang talaga
Kung aayon sa 'yo ang tadhana
Bilisan mo na lang mag-isip
Gumagalaw ang oras, 'wag ka nang magsayang
Kapag lumipas, walang babalikan
Lumalalim ang gabi sa gitna ng kawalan
Patangay mo na sa hangin ang laman ng puso mo
Oh, whoa
Whoa
Whoa
Lumalalim ang gabi sa gitna ng kawalan
Nalilito, nalilito
Nalilito na ang puso ko
Tatakbo papalayo
Sinisigaw ang pangalan mo
Nalilito, nalilito
Nalilito na ang puso ko
Paa ko'y tatakbo papalayo
Sinisigaw ang pangalan mo
Gumagalaw ang oras, 'wag ka nang magsayang
Kapag lumipas, walang babalikan
Lumalalim ang gabi sa gitna ng kawalan
Patangay mo na sa hangin ang laman ng puso mo
Baka hindi umabot bukas, 'pag huli na ang lahat (whoa, whoa)
'Pag 'di na kailangan, wala kang magagawa (whoa)
Lumalalim ang gabi sa gitna ng kawalan
Patangay mo na sa hangin ang laman ng puso mo
Oh-whoa

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists