Kishore Kumar Hits

Exiz - Lunod lyrics

Artist: Exiz

album: Haraya


Tulong, tulong bago malunod (malunod sa'yo)
Tulong, tulong bago malunod
Teka lang, dahan-dahan lang
Ngayon lang umabot dito tila ba'y naiilang
O pwede bang doon sa mababaw lang?
Di marunong lumangoy, papaiwan sa pampang
Tibok ng puso ay rumaragasa
Mga kamay ko'y nababasa
Daluyong sa loob ko ay parang gusto nang kumawala
Ngunit di muna pipilitin
Hindi ko pa kayang sisirin
Takot ako sa aking sasapitin woah oh
Ako'y sagipin bago ang puso ay tuluyang malunod
Salbabida'y ibato sa akin nang di tuluyang sa alon ay maanod
Di ko alam ang aking gagawin
Ngayon lang 'to nangyari sa akin
Oh ako'y sagipin, kailangan ng tulong
Bago pa malunod sa'yo
Gan'to ba talagang madarama?
Habang tayo'y lumalalim parang akong lumulutang na
Ugh, ugh, pasensya ka na kinakapos lang talaga ng hininga
Ugh, ugh, buong katawa'y nabasa nang lumubog na
Abutin mo'ng aking kamay di pa ako sanay magisang umahon
Biglang pinulikat huwag mo hayaang madala ako ng alon
Sabi ko naman sa'yo 'wag na 'wag mo akong biglain
Di mo ba ako makuha o gusto mo talagang aking idiin?
Tibok ng puso ay rumaragasa
Mga kamay ko'y nababasa
Daluyong sa loob ko ay parang gusto nang kumawala
Ngunit di muna pipilitin
Hindi ko pa kayang sisirin
Takot ako sa aking sasapitin woah oh
Ako'y sagipin bago ang puso ay tuluyang malunod
Salbabida'y ibato sa akin nang di tuluyang sa alon ay maanod
Di ko alam ang aking gagawin
Ngayon lang 'to nangyari sa akin
Oh ako'y sagipin, kailangan ng tulong
Bago pa malunod sa'yo
Tulong, tulong bago malunod (malunod sa'yo)
Tulong, tulong bago malunod (malunod sa'yo) woah
Magaling ako sa lahat ng bagay,
Dito lang ako hindi sanay dahil hindi ko pa ito gamay
Pero madali akong matuto basta't turuan mo nang husto
Sa ngayon ay unti-unti lang, bago ako malunod pa
Ako'y sagipin bago ang puso ay tuluyang malunod
Salbabida'y ibato sa akin nang di
Tuluyang sa alon ay maanod (whoo oooh)
Di ko alam ang aking gagawin
Ngayon lang 'to nangyari sa akin
Oh ako'y sagipin, kailangan ng tulong
Bago pa malunod sa'yo
Tulong, tulong bago malunod, malunod sa'yo
Tulong tulong bago malunod

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists