Sumabay sa galaw ng mundo Sa alon at takbo ng oras, napag-iiwanan Ako'y paulit-ulit na nagpupumilit Parating sumasabit, ayoko na Ah-ha (ah-ha, ah-ha, ah-ha) (Ah-ha, ah-ha, ah-ha, ah-ha) Tumingin sa salamin at subukang alamin Ang tunay na damdamin, hindi matantya Ang tama o mali, mahirap at madali Itim ba o puti, naguguluhan na Ah-ha (ah-ha, ah-ha, ah-ha) (Ah-ha, ah-ha, ah-ha, ah-ha) Ngunit ngayon maglalakbay at magpapatangay Sa hangin, saan man dalhin Heto ang aking mga kamay Dahan-dahang kumakaway Naghintay ng pagkakataon, naubos ang panahon Sawa na akong manghinayang muli Ang mga sandali, hindi na mababawi Kailan pa 'ko magsisimula? Ah-ha (ah-ha, ah-ha, ah-ha) (Ah-ha, ah-ha, ah-ha, ah-ha) Ngunit ngayon maglalakbay at magpapatangay Sa hangin, saan man dalhin Heto ang aking mga kamay Dahan-dahang kumakaway Dahan-dahang magpapaalam sa (kahapon) Unti-unting magpapaalam sa (kahapon) Handang-handa nang magpaalam sa (kahapon) Ngunit ngayon maglalakbay at magpapatangay Sa hangin, saan man dalhin Heto ang aking mga kamay Dahan-dahang kumakaway (whoa) Sa kahapon