Huwag ka nang mangangamba 'Di ako 'yung tipong hanggang salita Mundo mo'y mahalaga At nais ko ay makitira Kung sakaling sinira ka dati ng walang kwentang lalaki 'Di babalik ang nakaraan kapag ika'y sa akin Sana'y maramdaman mo Na ito ay totoo Tatahakin ang malumbay na daan Upang saya ay daling makamtam Huwag kang makikinig sa kanila Ako ay nangingibabaw sa iba Kaya hayaan mo, nakikita ko Lahat ng pirasong pagkukulang mo Ika'y buong-buo para sa 'kin Ang puso mo'y aking sasaluhin ♪ 'Di ka pa ba napapagod Na humandusay diyan sa lungkot 'Di ka karapatdapat na sinasaktan Puso mo ay hindi dapat nahihirapan Paghihinagpis mo ay lilipas din Pagkakataong ito'y para sa 'tin Lahat ng gusto mo ay aking gagawin Buwan ma'y abutin, bituin ma'y sapitin para sa 'yo Para sa 'yo, para sa 'yo ♪ Kung sakaling sinira ka dati ng walang kwentang lalaki 'Di babalik ang nakaraan kapag ika'y sa akin Sana'y maramdaman mo Na ito ay totoo Tatahakin ang malumbay na daan Upang saya ay daling makamtam Huwag kang makikinig sa kanila Ako ay nangingibabaw sa iba Kaya hayaan mo, nakikita ko Lahat ng pirasong pagkukulang mo Ika'y buong-buo para sa 'kin Ang puso mo'y aking sasaluhin, sasaluhin Ang puso mo'y sasaluhin, sasaluhin