Limot ko na bawat piraso ng mga salitang binulong ng hangin sa akin Sinala ng puso at isip bago ko isinalin Blankong papel, blankong papel Blankong papel, blankong papel Simula sinumulan para muli magkaro'n Sa pamamagitan ng blankong papel Na ito ay na ituloy ko, ang tulang ambag ko na pangalampag Makabasag silence ko na bansag, sa pagiging Smug kami Makalaglag entablado na pag-pwe Do'n lang pwe Na mga patabang na bara sa labing-anim Na sa salamin sa 'ming alamat ng Shakra Titulado'ng na nahirang, ang tinang mga katangiang 'di na nawala Sa mga pambihirang pinakitang para madali lang Kapag ginawa, ika-pitong bilang sa walong bilang 'di bang karaniwan ang angas At sa dating ng aking mga linyang para bang laninya kapag pinabaha Ngunit ang katotohanan 'di ko na dapat ikagulat mas marami Pa pala ko nabigkas na salita kesa sa mga nasulat Kaya pinakawalan ang kalayaan ko kung sa'n ito nakakulong Para hanapin ang aking sarili sa puso man kami mag kasalubong! Laway, pawis, luha't duhat ang ginamit na panulat saking mga Ulat lagi mapanugat ang marka sa balat ng lupa sa realidad Ano man ang mga linya 'di makatotohanan o Ga'no ba ka-imba o parang tattoo ni Joaqin? Na buhay sa blankong papel na burdado ng tinta! Limot ko na bawat piraso ng mga salitang binulong ng hangin sa akin Sinala ng puso at isip bago ko isinalin, sa blankong papel Blankong papel (ba-ba-bla-ba-bla-) blankong papel Ba-ba-bla-ba-bla-(blankong papel) Ba-ba-bla-ba-bla-(blankong papel) Hoy! Alam ko na 'di naman na gas-gas na ang mga pakara puro maskas ka sa lahat Ikaw ang pinaka iba ka kaya tiniyak ko na Matasa ang aking panulat sa blankong papel Panggulat galing sa bagong libel na mapanugat subalit Walang sapak ng galit kung pa'no ginuhit, pero lalong gigil Ipakita na wala kang tulad ng kaibahan ko Sa likuran ng mahabang pilahan kahit na huli man 'Di na pagiwanan sapagkat ano man bagsakan O tema sa mga panlasa ng tenga nag paka-manunulat Na iba sa lahat kung pano magpabasa ng letra! Narating ang panahon makikita ng marami Kung bakit ba ay tila naging malapit sa mga bituin sa langit Na likha kong mga awit kahit na nasa kadilima'y Nag ning-ning pa din sa gitna na ngayon ay Para bang laging nag-aapoy na bulalakaw na ibinaba sa lupa bigla! Produktong mula sa mga merkadong iilang alam niyo Kahit na hindi maging mabenta wala na kayong mapagbibilhan ng ganto! Walang "Under-under Ground o Mainstream-mainstream" Sa timbangan ng pangarap ng mga tunay na Ng galing sa digmaan ng rap! Ba-ba-bla-ba-bla! (Ng rap!) Ba-ba-bla-ba-bla! (Ng rap!) Ba-ba-bla-ba-bla! (Ng rap!) Ano anong kaguluhan to? Ayos-ayusin n'yo bago pa 'ko masiraan ng bait Hanggang sa mapasailalim sa bulong na sinasabi sa 'kin na Ipagsigawan lahat ay mga mababang kaliwa Mula sa kanan, sa kanan o sa kaliwa Para pakitaan na kailangan masilayan nila sa 'kin 'yung Banggaan na gawa ng salita na matauhan ang marami Kapag nag kahalimawan na-na-na-na-na! Hoy! Ngunit hindi niyo mapipigilan pagpapalutangin Ang pag-kanatural ko kahit hindi ko pagpilitan Kapag pinahawak na ako ng may paraan nag-abot ng patalim sa masamang kamay Kahit sino pa man ay panay katay ka, 'pag sa 'kin sinabay sana'y patay ka Wala ng teka-teka automatiko putok agad-agad Wala ng kasa-kasa ang mga dekalibreng bara-bara ka Kung tinugma na 'di basta-basta 'Di na kataka-taka, kwestiyunin ang mga sabi-sabi Kong gawa-gawa kaya doble-doble ang mga sagot ko Na dala-dala para 'di na paulit-ulit kahit sino-sino man Ang mag tanong-tanong sa 'kin na tanga-tanga! 'Wag kang pangahas, magangas, mag aasta na parang sasapat ka Para makalampas ka naman sa angkas na lakas ng sa 'kin basta-basta! Sapagkat ano man ang idahilan n'yo Ang aking para ay 'di na iba sa ganto 'Di n'yo ba matanto na matapatan 'to Pasalamat pa kayo kasi ginalingan ko! (brrii)