Sa pagmamahal, 'wag mong bibitawan ang alam mong 'di mo kaya Na makita na hawak ng iba, o pabayaang mawala mga regalo mo sa buhay na 'Di mo man lang nabigyan ng pagpapahalaga 'Wag mong hayaan ang kasalukuyan na lumipas sa walang katuturan Dahil ang isang minsan na sayo'y nakalaan Kapag naging nakaraan kelan man ay 'di mo na mababalikan Dahil ang isang minsan na sayo'y nakalaan Kapag naging nakaraan kelan man ay 'di mo na mababalikan Dahil ang isang minsan, dahil ang isang minsan Ilang gabi ng 'di mapakali sa tabi bakit 'di mai-wasan? Pagulungin dito saking pagiisip at isabay sa maginaw na Pag ihip ang mga nararamdamang takot sa Da-da-dam-dam-dam-damdamin ko, e-e-e-e-wan ko Masakit man na makita na ako ang dahilan ng mga Luha't kalungkutan mo sa bawat lumilipas Na panahon na tayo'y magkasama man o hindi, hindi ko maiiwas Na hindi kita mabigyan ng sama ng loob sa tuwina na (sa tuwina na) Magkakamali ang pagkakamali ko lang Mahal naman kita! 'di ko lang maipadama sa paraan na Malalaman mong tunay kang mahalaga Panghawakan mo lang lagi! Ang pag-ibig Na minsan din nating pinag-saluhan lulan ng pag-suyo kong kay tamis 'Wag na 'wag mong isuko ('woah) Ang mga nasimulan nating saya na dala ng mga Ala-alang ginto nating da-da-da-dala-dalawa Mga pag-aalaga at mga pag-uunawa rin 'Di mo tinipid sa 'di ko man batid na paki kisama't paki-kitungo sa-king tabi-bi-bi Di-di-di-dispensa sa palaging 'di pagiging 'di aktibo ng utak ko, Maka-isip ng tama't mga dapat na gawin sa tuwinang binabalot na naman Ng lungkot at poot, ang sagot ay ano? tanong din Sadyang sa dami ng mga sablay 'di ko na alam kung pano pa gagamutin Subalit, anuman ang iniisip mo lagi lang panghawakan na ikaw padin Ang pinangarap at pangarap kong babae na binigay sa akin ng katuparan Kaya wag mong isuko ang pagsubok na 'to 'Di ko kayang mawala kapa sa buhay ko Panghawakan mo lang lagi! ang pag-ibig na Minsan din nating pinag saluhan-lulan Ng pag-suyo kong kay tamis 'Wag na 'wag mong isuko ('woah) Ang mga nasimulan nating saya na dala ng mga Ala-alang ginto nating da-da-da-dalawa Di-di-di-di-dito sa pagmamahalan na-na-na-nating da-da-da-dalawa 'Di ko man isa-isa na maikumpis ang aking mga kalabisan at kakulangan Panghawakan mo lang lagi ang aking pagmamahal na dinaan, Sa bukod tangi na awit na sayo lamang nilaan Hayaan mong anurin pabalik ang mga naglaho kalakip na Merong isang bago na simulain asahan na ganun pa rin Ang lahat satin, kahit na ilang ulit bali-baliktarin Kahit na ilang ulit bali-baliktarin ang lahat satin asahan na ganun pa rin Aanurin pabalik ang mga naglaho kalakip na merong isang bago na simulain Panghawakan mo lang, lagi ang aking pagmamahal na, Dinaan sa bukod tangi na awit na sayo lamang nilaan 'Di ko man isa-isa na maikumpisal Ang aking mga kalabisan at kakulangan Di-di-di-di-dito sa pagmamahalan, na-na-na-nating da-da-da-dalawa (ha) Panghawakan mo lang lagi! Ang pag-ibig Na minsan din nating pinag-saluhan lulan ng pag-suyo kong kay tamis 'Wag na 'wag mong isuko ('woah) Ang mga nasimulan nating saya na dala ng mga Ala-alang ginto nating da-da-da-dalawa Panghawakan mo lang lagi! Ang pag-ibig Na minsan din nating pinag-saluhan lulan ng pag-suyo kong kay tamis 'Wag na 'wag mong isuko ('woah) Di-di-di-di-dito sa pagmamahalan, Na-na-na-nating da-da-da-dalawa