Kishore Kumar Hits

647 - Lisan lyrics

Artist: 647

album: Lisan


Nilisan ang tahanan
Naririnig ang huni ng daan
Daang panay sa kanan at kaliwa

Bitbit ating larawan
Nasanay na sa buhos ng ulan
Walang pagsisisihan kailanman
Liliko-liko, paikot-ikot
Subukan mo na sumabay na lamang sa indayog
Hanggang ika'y matutong ibalik ang dating ritmo
Ng katawang wala namang, wala namang, wala namang
Tama o mali
Kusang babalik din ang abilidad
Huwag magmadali
Kung panandalian lang ang lahat

Nahanap kasagutan
Pook kung sa'n wala nang balikan
Ako'y inyong turuang magpaalam
Liliko-liko, paikot-ikot
Subukan mo na sumabay na lamang sa indayog
Hanggang ika'y matutong ibalik ang dating ritmo
Ng katawang wala namang, wala namang, wala namang

Tama o mali
Kusang babalik din ang abilidad
Huwag magmadali
Kung panandalian lang ang lahat
Tama o mali (liliko-liko, paikot-ikot)
Kusang babalik din ang abilidad (subukan mo na sumabay na lamang sa indayog)
Huwag magmadali (hanggang ika'y matutong ibalik ang dating ritmo)
Kung panandalian lang ang lahat (liliko-liko, paikot-ikot)
Liliko-liko, paikot-ikot

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists