Nung araw ang puso ko'y parang isang larawan Na ang laman ay puro lamang walang katuturan Naaalala pa nung puso ay inosente pa lamang Sa kadahilanang hindi ka pa nakikilala Sana ay may pambura sa sugat na di mawala Dulot ng paglisan mo sinta Ang kulay ng buhay ko'y kumupas na ang tinta Dulot ng paglisan mo sinta Di mapigilang lumuha sa tuwing naaalala Mga letrang bumubuo sa salitang paalam Samantalang dati tayo'y hindi mapaghiwalay Katulad ng batang hanap parati ang kanyang nanay Sana ay may pambura sa sugat na di mawala Dulot ng paglisan mo sinta Ang kulay ng buhay ko'y kumupas na ang tinta Dulot ng paglisan mo sinta Nung araw ang puso ko'y parang isang larawan Na ang laman ay puro lamang walang katuturan Sana ay may pambura sa sugat na di mawala Dulot ng paglisan mo sinta Ang kulay ng buhay ko'y kumupas na ang tinta Dulot ng paglisan mo sinta Kung may pagkakataon isulat ang kahapon Tadhana sana'y mag-iba sinta At kahit pa wala ka na puso parin magdidikta Pipiliin ka parin sinta