Pag gising sa umaga ay naalala ka Tila mga nangyari ay para' lamang kanina Balak ko naman talaga'y limutin ka Sadyang kahapon natin saaki'y mahalaga Sinong di iibig sa katulad mo Ikaw ang bossing na laging merong plano Kung mag isip ay parang isang antigo Kung magmahal naman ay napaka moderno Di ba pwedeng ibalik ang kahapon Magkasama lang buong maghapon Sana ay nandito ka pa saking tabi Pinag-mamasdan ang mapula mong mga labi Sino ba namang makakalimot sa pag ibig mo Tipong kakagising ko palang buo agad ang araw' ko Oh' kay sarap namang' balik balikan Tamis ng bawat sandali't halik' ng nakaraan Ang kaso lang' hanggang balik tanaw na lamang ba Hiling na bumalik yoko kasing masayang ka Hapon na, magkasama masaya Nakatingin ka lang sa ulap, ako naman sa mga mata Mo binibini ikaw pa rin pinipili Na pag aalayan ng' tinatangi kong pag ibig Kada titig sa mata ay parang na paralisa Para bang kaluluwa'y naglalapit pinag isa Sa panaginip ko na lamang ba' iguguhit Ang imahe ng kahapon sapagkat hindi nasulit Oo sayang talaga, nagtapos na ang lahat Nagsimula kana ng storyang may iba na pamagat Di ba pwedeng ibalik ang kahapon Magkasama lang buong maghapon Sana ay nandito ka pa saking tabi Pinag-mamasdan ang mapula mong mga labi Di ba pwedeng ibalik ang kahapon Magkasama sa bawat mga hamon Sana ay mayroon' pang pagkakataon Hinaharap ay sisimulan natin ngayon