Kishore Kumar Hits

Kent Charcos - Samu't Saring Iisa lyrics

Artist: Kent Charcos

album: Samu't Saring Iisa


Hinati sa tatlong dako
Binubuo ng mahigit 7,000 pulo
'Yan ang bayan ko
Kayumanggi ang kulay namin
Likas na masayahin at sa'n man makarating
Kapansin-pansin ang galing
Ngunit kahit may samu't saring sari-sariling pinaniniwalaan
Ngunit kahit may samu't saring lengguwaheng hindi ko na naiintindihan
Tayo ay iisa sa puso't diwa, hinding-hindi magigiba
Taas-noo, kahit kanino, ang lahi ko ay Pilipino
Halina't kilalanin ang lahing 'di paaapi nino man
Binabagyo man lagi, magsisimulang muli
Kay sayang isipin na patungo tayo sa kaunlaran
Kahit samu't sari ay mananatiling iisa, iisa
Ang pusong Pinoy ay matibay
Walang ibang nais kundi ay ang matagumpay
Sa patintero ng buhay
Ngunit kahit may samu't saring sari-sariling pinaniniwalaan
Ngunit kahit may samu't saring nauusong ating kinahihiligan
Tayo ay iisa sa puso't diwa, hinding-hindi magigiba
Taas-noo, kahit kanino, ang lahi ko ay Pilipino
Halina't kilalanin ang lahing 'di paaapi nino man
Binabagyo man lagi, magsisimulang muli
Kay sayang isipin na patungo tayo sa kaunlaran
Kahit samu't sari ay mananatiling iisa, iisa
Iisa, iisa

Ngunit kahit may samu't saring sari-sariling pinaniniwalaan
Ngunit kahit may samu't saring sari-sariling hidwaang kailan pa kaya matutuldukan
Tayo ay iisa sa puso't diwa, hinding-hindi magigiba
Taas-noo, kahit kanino, ang lahi ko ay Pilipino
Halina't kilalanin ang lahing 'di paaapi nino man
Binabagyo man lagi, magsisimulang muli
Kay sayang isipin na patungo tayo sa kaunlaran
Kahit samu't sari ay mananatiling iisa
Oh-whoa, whoa-whoa-oh

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists