Bakit hindi mapansin ang damdamin ng bawat katulad ko? Bakit hindi marinig ang pagsamo't hikbi nitong puso ko? 'Di ko hangad maganap, maangkin ko ang lahat Tanging nais ko'y pang-unawa na kailanma'y walang wakas Mundo kong nagisnan ay mundo ng hangari'y magkaisa Akbay-akbay ang lahat sa hikbi, lungkot man o maging saya Dito'y 'di mag-iisa, lagi kang may kasama Ang mundong ito'y paraiso ng puso na may kaluluwa Dito sa 'king mundo'y may pag-asa ang pangarap Dito sa 'king mundo'y walang api, walang mahirap At kung ito'y kukunin pa, ano'ng silbi at halaga Ng buhay kong ito, na alay ko sa kanila? Dito sa 'king mundo'y hinding-hindi maaaglahi Dito sa 'king mundo'y pag-ibig ang laging sukli Pantay-pantay ang sinuman sa puso at karapatan Hanggang kamatayan, mundong ito'y 'di ko iiwan Ang mundo kong nagisnan ay mundo ng hangari'y magkaisa Akbay-akbay ang lahat sa hikbi, lungkot man o maging saya Dito'y 'di mag-iisa, lagi kang may kasama Ang mundong ito'y paraiso ng puso na may kaluluwa Dito sa 'king mundo'y may pag-asa ang pangarap Dito sa 'king mundo'y walang api, walang mahirap At kung ito'y kukunin pa, ano'ng silbi at halaga Ng buhay kong ito, na alay ko sa kanila? Dito sa 'king mundo'y hinding-hindi maaaglahi Dito sa 'king mundo'y pag-ibig ang laging sukli Pantay-pantay ang sinuman sa puso at karapatan Hanggang kamatayan, aking susumpaan Maging kailan pa man, ang mundong ito'y 'di ko iiwan