Kishore Kumar Hits

Glaiza De Castro - Itanong Mo Sa Mga Bata lyrics

Artist: Glaiza De Castro

album: Magandang Simulain


Ikaw ba'y nalulungkot? Ikaw ba'y nag-iisa?
Walang kaibigan? Walang kasama?
Ikaw ba'y nalilito? Pag-iisip mo'y nagugulo
Sa buhay ng tao, sa takbo ng buhay mo?
Ikaw ba'y isang mayaman o ika'y isang mahirap lang?
Sino sa inyong dalawa ang mas nahihirapan?
Masdan mo ang mga bata, masdan mo ang mga bata
Ikaw ba'y walang nakikita sa takbo ng buhay nila?
Masdan mo ang mga bata, ang buhay ay hawak nila
Masdan mo ang mga bata, ang sagot ay 'yong makikita
Ikaw ba'y ang taong walang pakialam sa mundo?
Ngunit ang katotohanan, ikaw lang ay naguguluhan?
Tayo ay naglalakbay, habol natin ang buhay
Ngunit ang maging bata ba'y tulay tungo sa hanap nating buhay?
Masdan mo ang mga bata, ang aral, sa kanila makukuha
Ano nga ba ang gagawin sa buhay na hindi naman sa atin?
Itanong mo sa mga bata, itanong mo sa mga bata
Ano'ng kanilang nakikita sa buhay na hawak nila?
Masdan mo ang mga bata, sila ang tunay na pinagpala
Kaya dapat natin pahalagahan, dapat din kayang kainggitan?
Masdan mo ang mga bata, masdan mo ang mga bata
Ikaw ba'y walang nakikita sa takbo ng buhay nila?
Masdan mo ang mga bata, ang buhay ay hawak nila
Masdan mo ang mga bata, ang sagot ay iyong makikita

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists