Kishore Kumar Hits

GFAB - Balang Araw lyrics

Artist: GFAB

album: Balang Araw


Oh sinta, lika't dadalhin kita,
Kung san tayong dalawa
Ay may palaging direksyon walang siguro nga
Balang araw, ating matatanaw,
Matamis nating araw-araw
Pangako walang bibitaw
Siguro nga ngayon ay di ko pa mabigay sayo
Mga pinangarap natin na sabay na binuo
Lahat ng iyong gusto,
Ano man ang naisin mo
Kakayanin basta para sayo
Ikaw ang dahilan kung ba't na inspira
Walang imposible pag nandito ka
Lahat kakayanin pag kasama ka
Negatibong mga bagay ay nag iiba
Balang araw ay dadalin kita
Sa paraiso tayo lamang dalawa
Sana hanggang dulo ikaw at ako ang mag sasama
Aking sinta,
Sa akin ay magtiwala ka
Ang pangarap ko para sa ating dalawa ay tila masaya Iyong ngiti,
Para sakin ay sobrang halaga
Napukaw mo ang puso ko
Kaya salamat nakilala kita
Ikaw ang babae na sakin ay mahalaga
Pinapangarap kita na balang araw na tayong dalawa
Ang magkasama sa hirap at ginhawa
Kahit anong mangyare nandito palage
Para lamang na mahalin ka
Oh sinta,
Lika't dadalhin kita,
Kung san tayong dalawa
Ay may palaging direksyon
Walang siguro nga
Balang araw,
Ating matatanaw,
Matamis nating araw-araw
Pangako walang bibitaw
Kapit ka lang sa akin di kita iiwan
Sabay nating damhin ang kaligayahan
Tunay na pag mamahal ang sayo'y ipapadama
Tanging tiwala lang mag papatibay sating dalawa
Ikaw lang palagi,
Ako lang palagi
Tayo lang palagi,
Satin mamalagi
At ang pagmamahala'y
Hindi magbabago
Ikaw lang palagi,
Ako lang palagi
Tayo lang palagi,
Satin mamalagi
At ang pangarap ko
Balang araw ikaw at ako
Minsan ay napagtanto ko
Na karapat dapat ba kong mahalin mo
Wala man ako sa estado ng buhay na para sayo
Ay handa ako na tawirin harapin ang mga darating
Na pagsubok na kahit mahirap ay mararating
Nating Dalawa wag mabalisa hindi kita iiwan
Mahal Balang araw ay makakamit din ang mga dasal
Di mag babago ang pagibig ko sayo sinta
Hangang sa dulo at hanggang sa ating pagtanda
Oh sinta,
Lika't dadalhin kita,
Kung san tayong dalawa
Ay may palaging direksyon
Walang siguro nga
Balang araw,
Ating matatanaw,
Matamis nating araw-araw
Pangako walang bibitaw
Ngayong atin ng nakamit
Ang pinakamahalagang sakramentong
Para satin Hinihiling ko lang sa may kapal
Na sanay palagi pa rin tayo na patnubayin
Sa lahat ng oras at sa ating mga desisyon
Bawat hakbang san man tayo lagi na pumaroon
Ikaw at ako
Laging magkatuwang magkasama
Hanggang sa tayoy paglumaan ng panahon
Simula pa lang naman,
Ay alam mo na wala kong yaman na pinang hahawakan Tanging lakas
Lamang ng loob para harapin ang bukas
Ang sandatang laging aking tangan tangan
Balang araw ay atin ding mabubuo
Mga pangarap na binuhusan ng pundasyon
Wag ka ng mag alin langan basta ako ang
Nagsabi sayo tiyak na sinta mangyayari yon
Ngayong napasakin ka
Mundong ito'y parang langit na
Wag ka lang bibitaw basta't kumapit ka
Dahil sinta, tatahakin natin to
Ng mag kahawak ang kamay
Tayo'y mag lalakbay
Walang makakapigil sating dalawa
Balang araw ay
Atin ding matutupad ang ating pangarap
Ating pangarap
Oh sinta,
Lika't dadalhin kita,
Kung san tayong dalawa
Ay may palaging direksyon
Walang siguro nga
Balang araw,
Ating matatanaw,
Matamis nating araw-araw
Pangako walang bibitaw
Oh sinta,
Lika't dadalhin kita,
Kung san tayong dalawa
Ay may palaging direksyon
Walang siguro nga
Balang araw,
Ating matatanaw,
Matamis nating araw-araw
Pangako walang bibitaw

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists