Simula pa nung una Hindi na maintindihan nararamdaman Naging magkaibigan Ngunit 'di umabot ng magka-ibigan Tanggap ko 'yon noon Kampante na ganon nalang Sapat na nakasama kita Kahit hanggang don nalang 'Di nalang ako lalapit 'Di nalang titingin Para hindi na rin mahulog pa Sa 'yong mga mata Siguro nga hindi na dapat na umasa pa 'Di naman inaasahan, 'di naman sinasadya Pero alam ko rin naman, hanggang dito nalang Lilimutin ang damdamin, isisigaw nalang sa hangin Mahal kita Mahal kita Sinubukan ko naman Na pigilan ang nararamdaman Kahit mahirap Lumayo at umiwas sayo Hirap pa ring hindi lumapit 'Di maiwasang tumingin Mukha yatang ako'y nahulog na Sa 'yong mga mata Siguro nga hindi na dapat na umasa pa 'Di naman inaasahan, 'di naman sinasadya Pero alam ko rin naman, hanggang dito nalang Lilimutin ang damdamin, isisigaw nalang sa hangin Mahal kita Mahal kita Nakatingin mula sa malayo Tanggap ko nga ba 'to? Sapat na nga ba 'to? Nung ako'y lumapit Nasa 'yo lang ang tingin Hinawakan ang iyong kamay Pero iyong sinabi Siguro nga hindi na dapat na asahan ka Sa tagal kong naghihitay sayo, nagmahal na ng iba Tinuruan niya akong tanggaping wala ang pag-ibig mo sa akin Sa akin Nilimot na ang damdamin Tinangay na rin ng hangin Mga salitang hindi nasabi Mahal kita Mahal kita Mahal kita Mahal kita Ngayon tapos na 'Yung nagsimula nung una