Dito ka muna sa 'king tabi, magpalipas ng gabi Problema'y atin munang iisantabi Gawin na munang tama ang mali, tayo na at magsindi Hanggang sa tama natin ay tumindi Bakit pa kasi nagising kung ang lahat ng 'to ay panaginip? Palagi, ako ang 'yong sinisisi, tanging hiling, ikaw lamang kasiping 'Kala ko ay hanggang dulo na, naging katapusan ang simula Sana no'ng una mo pa lang sa 'kin sinasabi na kung sigurado ba Pero ngayon, ang nadarama, nanghihinayang na wala ka na Huling sambit mo ng "Mahal kita", parang 'di mo na dinadarama Gusto ko pang manatili pero ayaw kitang maaning Bakit may balak ka pang umalis? Sayang pangarap na dapat gawin Para sa atin lang naman ito Oh, bakit, bakit ka lumayo? Dito ka muna sa 'king tabi, magpalipas ng gabi Problema'y atin munang iisantabi Gawin na munang tama ang mali, tayo na at magsindi Hanggang sa tama natin ay tumindi Mundong paikot-ikot, gusto ka nang malimot Halimuyak na naiwan mo sa 'king kumot Sakit at hirap na iyong dinulot Tinik sa puso na pilit ko na hinuhugot, yeah Puro pagpapanggap ang 'pinapakita sa inyo Mukha lang malakas, kahit ang totoo ay winawasak na 'ko nito 'Handa mo na ang lamesa, walwalan hanggang umaga Lahat ng trip niyo ay sasakyan basta't malimot ko lang siya Sinubukan mga medisina para lang sa lungkot na nadarama Nakaguhit na larawan na sa isipan na 'di ko mabura Gusto ko pang manatili pero ayaw kitang maaning Bakit may balak ka pang umalis? Sayang pangarap na dapat gawin Para sa atin lang naman ito Oh, bakit, bakit ka lumayo? Dito ka muna sa 'king tabi, magpalipas ng gabi Problema'y atin munang iisantabi Gawin na munang tama ang mali, tayo na at magsindi Hanggang sa tama natin ay tumindi Mundong paikot-ikot, gusto ka nang malimot Halimuyak na naiwan mo sa 'king kumot Sakit at hirap na iyong dinulot Tinik sa puso na pilit ko na hinuhugot Pwede bang bumalik tayo sa umpisa? Problema'y isantabi na lang na muna Kahit na isang halik, ako'y ayos na Pagbigyan ng isa, 'yon lang mahalaga, yeah