Sa ating isang taon Natupad lahat ng pinangarap ko Ang isang buwan, biglang naglalaho Kapag kasama ka, oh, ang bilis ng panahon At kung maaari lang Pumunta sa nakaraan Iiwasan ko, na ikaw ay masaktan Araw-araw pinagsisisihan ko Na hinayaan lamang na magkagan'to Kung alam ko lang ito na ang ating hangganan Sususlitin ko ang bawat oras na kasama ka Isang minuto, tayo ay nagbago Nung inamin ko na nagkamali ako Habang-buhay ang ating pinangako Ang walang hanggan, bigla na lamang huminto At kung papayagan lang Sumulyap sa hinaharap Hahayaan ba Puso ko'y umasa pa Araw-araw pinagsisisihan ko Na hinayaan lamang na magkagan 'to Kung alam ko lang ito na ang ating hangganan Sususlitin ko ang bawat oras na kasama ka At kung meron lang akong Isang segundong kasama mo Ibubulong sa'yong hindi tumigil ang pag-ibig ko Araw-araw pinagsisisihan ko Na sinayang ang isang katulad mo Kung alam ko lang ganito ating hantungan Pipigilan ko'ng takbo ng oras, nang makasama ka