Oh, imulat na ang mga mata Sapagkat ang dami pang nagbubulag-bulagan sa katotohanan Kailan ba sisimulan? Gutom, bala, dahas Hanggang kailan mawawakas? At bakit ang batas, parang walang lakas? Panindigan, katuwiran Kapuwa natin, 'wag kalimutan Kaya pa ba ng ating lipunan? Tayo'y bayang binaboy, taong tinaboy Kaya't tayo na't magtulungan Magpakatapat tayong mga kabataang Siyang pag-asa ng ating bayan 'Wag nang ilagay sa bahala ang laban na tama Wala nang oras para maging duwag Oras para magbubulag-bulagan Oh, imulat na ang mga mata Sapagkat ang dami pang nagbubulag-bulagan sa katotohanan Kailan ba sisimulan? Isipin ang bilyon-bilyong perang nawala Maiibalik pa ba kaya? Maiibalik pa ba kaya? Ilang may sakit sana ang nakinabang Kapatid, 'wag nating kalimutan Tayo'y baong baon na sa utang Hanggang kailan kaya gagapang? Sa lupang 'di na natin matatawag na talagang atin Nang tayo'y itinakwil, pinabayaa't 'di pinahalagahan Kamangmangan ng mamamayan, palaging pinagsasamantalahan Kaya't piliin na'ng pinuno, kaya tayong paglingkuran Nang walang pagkiling, mahirap man o mayaman Ilang dugo pa ang dadanak? Ang sagot sa pandemya'y wasak Ang ating ekonomiya'y bagsak, puso at buhay ng mga Pilipino Hindi 'yan kabayaran, hindi 'yan kabayaran, 'di 'yan kabayaran Kailangan ka ng Pilipinas Kailangan ka ng Pilipinas Kailangan tayo ng Pilipinas Ikaw, ikaw Ako, tayong lahat ay kailangan ng Pilipinas Oh, imulat na ang mga mata Sapagkat ang dami pa ring nagbubulag-bulagan sa katotohanan Kailan ba (sisimulan)? Kailan ba? Imulat na ang mga mata Sapagkat ang dami pa ring nagbubulag-bulagan sa katotohanan Kailan ba sisimulan?