Nandito na tayo sa simula ng ating dulo Bukas na ba talaga ang pinto? Patungo sa malayo, sa malaya mong mundong Inubos ang tibok ng puso Sana sa ating paggising, kalimutan ang lahat Unti-unting pupulutin, pirasong nagkalat Kamay mo'y 'di bibitawan, bubuksan ang aklat Ang kuwento ng ikaw at ako Tayo ang sumulat Tayo ang sumulat Sumuko sa kahapon, nais ko lamang magtanong Sapat na nga ba siya sa ngayon? Umasa sa pangako, pangako na 'di maglalaho Wala na ba talagang totoo? Sana sa iyong paggising, kalimutan ang lahat Unti-unting pupulutin, pirasong nagkalat Kamay mo'y 'di bibitawan, bubuksan ang aklat Ang kuwento ng ikaw at ako Ikaw ang sumulat Ikaw ang sumulat Ikaw ang sumulat Ikaw ang sumulat Dahil sa aking paggising, kakalimutan ang lahat 'Di na kayang pulutin, pirasong nagkalat Kamay mo ay bibitawan, isasara ang aklat Ang kuwento ng ikaw at ako Kayo ang sumulat Kayo ang sumulat Kayo ang sumulat Kayo ang sumulat