Kishore Kumar Hits

BennyBunnyBand - Adobong Tuyo (Bagnet Special) lyrics

Artist: BennyBunnyBand

album: Adobong Tuyo (Bagnet Special)


Parang kahapon lamang
Ng una kitang nasilayan
Pareho tayong nagsisitabaan
Marami ng nagbago
Dumoble nga lalo kang lumolobo
Wala ng mas lalaki pa sa 'yo
Dito sa puso ko
Ang titigan ka'y hindi nakakaumay
Nagniningning ang mata tumutulo ang laway
Para kang aking adobo
Matamis, maanghang, paglamig nagsesebo
Bigatin ka mang babae
Bubuhatin kita ng wala 'kong sinasabi
Ah ah ah ah ah ah ah ah ah
Parang dinidilaan
Teka lang hindi ako pulutan
Pero ikaw nama'y pagbibigyan
Sa'n mo gustong kumain d'yan, d'yan, d'yan,
Naiiba na yata ang usapan
Harana 'to hindi naman piyestahan
Pero seryoso magpakailan pa man
Hinding hindi hindi kita iiwanan
Most likely pa ngang magkaroon ng diabetes
Kasi 'pag kasama kita
Oh, sweat (ang tamis)
Oh, sweat (ang tamis)
Para kang aking adobo
Matamis, maanghang, paglamig nagsesebo
Hainan man ng 'bang putahe
Ikaw lang sa lahat ang hindi ko itatae, yeah
Ah

Walang hangad na ika'y asarin
Wala na ring nais baguhin
Hindi magsasawang ika'y mahalin
Always, always bubusugin
Para kang aking adobo
Matamis, maanghang, paglamig nagsesebo
Mag-extra rice ka ng marami
Bibigyan ka ng tubig paglunok ay swabeng swabe
Para kang aking adobo
Matamis, maanghang, paglamig nagsesebo
Kasing laki ng elepante
Ang pag-ibig na iaalay sa 'yo palagi-lagi
Kasing laki ng elepante
Ang pag-ibig na iaalay sa 'yo palagi-lagi
Kasing laki ng elepante
Ah

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists