Akala na lang ang lahat, iyon akala ko noon Dasaling tuwing akinse at atrenta lang kung tumugon Tuwing kada panlaman tiyan ang hingin ko sa panginoon Sukli nya'y kaganapang ilang laway ang pinalulon Gatas ko sa labing 'di ko gaano nalasap Ang nagsabing gulugod ko lang ang 'di ko kayang kaharap Pati buwan ay pinuruhan, timpi ang pinuhunan Pilas ng sulatan ko't kalendaryong 'di ko tinulugan para lang Sinugal kong panahon, tama ng masuklian May dala ng kalupitan, simula nung nasa panubigan Sa kabila ng eskinita't kanto kong nauwian Ang katunayan gintong makinang ay makikita sa putikan Buena man... Buena manong nagtiwala sa'kin ay ako din Sa panahong palaisipan pa kung sa'n ba ako dadamputin Nawalan ng ganang antukin sa dami ng dapat sabunin Bukod sa bumbunan, may diwa pa 'kong dapat katukin