Kamukha mo si Paraluman No'ng tayo ay bata pa At ang galing-galing mong sumayaw Mapa-boogie man o cha-cha Ngunit ang paborito Ay pagsayaw mo ng El Bimbo Nakakaindak, nakakaaliw Nakakatindig-balahibo Pagkagaling sa 'skuwela ay Dederetso na sa inyo At buong maghapon ay Tinuturuan mo ako Magkahawak ang ating kamay At walang kamalay-malay Na tinuruan mo ang puso ko Na umibig na tunay Naninigas ang aking katawan 'Pag umikot na'ng plaka Patay sa kembot ng bewang mo At pungay ng 'yong mga mata Lumiliwanag ang buhay Habang tayo'y magkaakbay At dahan-dahang dumudulas Ang kamay ko sa makinis mong braso Sana noon pa man ay Sinabi na sa iyo (sa iyo) Kahit hindi na uso ay Ito lang ang alam ko Magkahawak ang ating kamay At walang kamalay-malay Na tinuruan mo ang puso ko Na umibig na tunay ♪ Lumipas ang maraming taon 'Di na tayo nagkita Balita ko'y may anak ka na Ngunit walang asawa Tagahugas ka raw Ng pinggan sa may Ermita At isang gabi'y nasagasaan Sa isang madilim na eskinita Lahat ng pangarap ko'y Bigla lang natunaw Sa panaginip na lang pala kita maisasayaw Magkahawak ang ating kamay At walang kamalay-malay Na tinuruan mo ang puso ko Na umibig na tunay