Hindi lingid sa 'yo na ikaw ang buklod Sa lahat ng pagsuyod, ikaw ang buod Alam mo rin namang wala nang iba Na kayang tuklasin ang gan'tong tipo ng saya Ngunit bakit lumilihis ang ihip ng hangin? Palayo ka na sa akin 'Di na masabi kung kailangang bumitaw Para sa 'tin, kahit pa ikaw Ang bawat pintig ng pusong ito Ay bawat pantig ng pangalan mo Ang bawat tibok ay may hangganan Kahit pa ikaw ang buhay na kailangan (kahit pa ikaw) Ang hiling kong ligaya pa noon Minsan, dalangin ay tinutugon Ngunit ngayon, 'di na gaya noon Ramdam mo rin ang nag-iba't bukod-tangi na Bakit lumilihis ang ihip ng hangin? Palayo ka na sa akin 'Di na masabi kung kailangang bumitaw Para sa 'tin, kahit pa ikaw Ang bawat pintig ng pusong ito Ay bawat pantig ng pangalan mo Ang bawat tibok ay may hangganan Kahit pa ikaw ang buhay na kailangan, kahit pa ikaw Kung pipilitin pa Ano kaya'ng sagot sa kung bakit pa Ooh, kung pipigilan ka Ano'ng magagawa niyan Kung ang dulo ng lahat ang simula Ng pagbitaw mo sa akin? Kahit pa ikaw ang bawat pintig Ng puso kong sumisigaw Isasalba kita, ooh-ooh Kahit pa ikaw