Kishore Kumar Hits

SUD - Payapa lyrics

Artist: SUD

album: Dumaloy


Mula noong namulat ang mata
Daglian kong nalaman na ikaw pala
Ang hinahanap kong tahimik
Bawat paghinga'y isang tula't usapang malalim
Kahit pa walang magsalita
Nakapikit habang hawak ang 'yong kamay
Rinig bawat pintig nati'y magkasabay
Marahan at tahimik ang habang-buhay
Ngayon, sa 'yo'y mahirap nang mawalay
Kung may ibig man sabihin ang salitang "sapat"
Ito'y nalaman ko sa piling mo, ngiti mo at lahat
Nais kong malaman mong ako'y naniniwala na sa payapa
Mula no'ng araw na nasilayan ka

Hindi na rin nagbago ang tingin
Walang minutong lumilipas na hindi kita pansin
Nais ko lang magpakalunod sa 'yong mga mata
Sambahin ka habang-buhay hanggang ako ay mawala
At pipikit habang salabay ko lahat ng 'yong bigat
Andito lagi ang balikat, ilagay mo lang lahat
Mabigat man ang pasakit
May habang-buhay pa tayo para 'di maghiwalay
Kung may ibig man sabihin ang salitang "sapat"
Ito'y nalaman ko sa piling mo, ngiti mo at lahat
Nais kong malaman mong ako'y naniniwala na sa payapa
Mula no'ng araw na nasilayan ka

Поcмотреть все песни артиста

Other albums by the artist

Similar artists