Awit, masaya ang mga tainga Sa aking alaala ito nagsimula Ilaw, ika'y pinakilala Mata ko ay nasilaw sa iyong ganda Antok at pagod tila naglaho Pagkagising, panaginip ang dumalaw Damdamin ko'y umaapaw Labi, halik na ninanais Sa dulo ng aking dila, salitang matatamis Yakap, higpit ng mga braso Sa 'yong pagkadiin ay dumadaloy ang dugo Halo-halo sa isipan ko Init, tinig, at tamis sa araw-araw Damdamin ko'y umaapaw Handang sabihin at ipakita 'Wag pigilin ang pagbugso Pagkagising, panaginip 'Wag pigilin ang damdamin Puso, hayaang paganahin Sa muling pagkikita, mayro'ng dadalhin Talumpati sa harap ng isang tao Walang ibang kailangan lahat kabisado Buo ang loob ko sa iyo Ganito ako kasigurado Init, tinig, at tamis Awit, yakap, at halik Ikaw ang tubig na papawi sa 'king uhaw Pag-ibig ko'y umaapaw