Ako'y mistulang bulaklak Na di namumukadkad Dahil sa tagtuyot Uhaw ang talulot Maari bang makahinging gamot? O aking sinisinta Halik mo'y medisina Ngunit pano dadampi Ang labi sa labi Kung may namamagitan sa atin Na distansya Bakas sa 'yong mukha Na may bagyong nagbabanta Ngunit pano tatawid Ang pag-ibig na hatid Kung ika'y wala sa king piling Pamasahe ay handa Bagahe ay dala Ngunit ano pa ba'ng Aking magagawa Sa'yong tabi damang-damang-dama Ang distansya