Wala na bang katapusan? Hindi ko na mabilang ang lumisan Wala na bang katapusan? Kayanin ko pa ba kayang maiwan? ♪ Kung naririnig mo rin naman Dalangin ko sana'y pagbigyan mo lamang Bigyan mo ako ng dahilan Ang tanging gusto ko lang nama'y malaman Yakapin mo akong muli sa bisig mo Sa piling mo ngayong Pasko'y lalapit Natatanaw ko na ang langit Nagliliwanag ang dilim sa nagdaang buwan sa akin Sa piling mo ngayong Pasko'y aawit Malilimutan ang pasakit Pag-ibig mo'y sapat Nananatili kang tapat sa akin Ikaw ang dahilan ngayong Pasko Wala ka bang nararamdaman? Buksan mo lamang ang iyong isipan Ipatangay mo lang sa ihip ng hangin Mga gumugulo sa iyong damdamin Ako ang siyang magbibigay gaan (Sa piling mo ngayong Pasko'y lalapit) Natatanaw ko na ang langit Nagliliwanag ang dilim sa nagdaang buwan sa akin Sa piling mo ngayong Pasko'y aawit Malilimutan ang pasakit Pag-ibig mo'y sapat Nananatili kang tapat sa akin Ikaw ang dahilan ngayong Pasko ♪ Ikaw ang tanging dahilan Ang simula't katapusan