Magagawa mo bang gumising nang Walang inaalala na nakaraan? Paano ba mapipilit ang puso mo Na hindi makaalis sa 'yong kahapon? Hanggang kailan magbubulag-bulagan? Alisin mo ang piring sa 'yong mata Magagawa mo rin namang lumaban Sadyang hindi mo lang gustong siya'y kalimutan Ano ba ang mayro'n siya, mayro'n na siyang iba? Bakit ka pa nagtitiis, mahal naman kita? Nandito lang ako kahit mahal mo siya Hindi ako maiinip, hihintayin kita Sana ako na lang, dapat tayo na lang Kung pwede lang naman, ako't ikaw na lang ♪ Tahan na, hindi ka niya mahal Wala namang mangyayari, tigilan mo na 'yan Gising na, sa piling ko naman Pangakong 'di ka iiyak kung ako't ikaw na lang Hanggang kailan magbubulag-bulagan? Alisin mo ang piring sa 'yong mata Ano pa ba namang kinakailangan? Wala na rin naman kayong patutunguhan Ano ba ang mayro'n siya, mayro'n na siyang iba? Bakit ka pa nagtitiis, mahal naman kita? Nandito lang ako kahit mahal mo siya Hindi ako maiinip, hihintayin kita Sana ako na lang, dapat tayo na lang (tayo na lang, ako't ikaw na lang) (Sana naman, tayo na lang) kung pwede lang naman, ako't ikaw na lang Sana ako na lang, dapat tayo na lang (tayo na lang, ako't ikaw na lang) Kung pwede lang naman, ako't ikaw na lang Magagawa mo bang gumising nang (ako't ikaw na lang) Walang inaalala na nakaraan? Ako't ikaw na lang