Kung sa puso mo ay 'di maiwasan Ang pagdalaw nitong mga kalungkutan Iyong alalahaning may Amang nagmamahal Laging nakamasid, laging nakabantay Huwag kang mabalisa sa anumang bagay Sa Ama ay ilapit iyong kahilingan Sambahin, purihin, pasalamatan 'Pagkat Siya'ng mag-iingat ng puso mo't isipan Huwag padadaig kahit nalulumbay Ang pag-asang taglay ay iyong ingatan Ang dalisay na aral iyong panghawakan Ikaw ay may Diyos na madadaingan Huwag kang mabalisa sa anumang bagay Sa Ama ay ilapit iyong kahilingan Sambahin, purihin, pasalamatan 'Pagkat Siya'ng mag-iingat ng puso mo't isipan Iyong ilagak ang pagtitiwala Sa Kaniya kumapit, Siya ang gagawa Kung ika'y nangangamba at puso'y nanghihina Kaniyang nalalaman ang iyong pagluha Huwag kang mabalisa sa anumang bagay Sa Ama ay ilapit iyong kahilingan Huwag mabalisa sa anumang bagay (sa Ama) Sa Ama ay ilapit iyong kahilingan Sambahin, purihin, pasalamatan 'Pagkat Siya'ng mag-iingat ng puso mo't isipan Ang Diyos ay pag-ibig, lubhang mapagmahal Ang 'di mo masabi, Siya ang may alam