Lakad n'ya'y tila pag-agos galing sa bulkan Tinig at ngiti n'ya ay dalangin ninoman Sa dahan ng pag-ikot n'ya ay dahan-dahan kong naramdaman Ako ay ako lang 'Di s'ya magiging akin kailanman ♪ Busilak ang pusong kay lapit sa maralita Kita sa kanyang tindig, dinig sa salita Perlas ng Silanganan at ang sansinukob ay s'ya ang hirang Ako ay ako lang 'Di s'ya magiging akin kailanman Ako'y maghihintay sa pag-uwi mo't pagkaway Parada ng ngiti mo't nakamit na tagumpay Habang watawat ay aking winawagayway Paulit-ulit sa isip ko ay... ♪ Ako'y maghihintay sa pag-uwi mo't pagkaway Parada ng ngiti mo't nakamit na tagumpay Habang watawat ay aking winawagayway Paulit-ulit sa isip ko ay... Pagtingi'y 'di babalik, ako'y nahihibang Guhit sa ulap ay naglalaho ang kinang Pinagpapasalamat at pinagpapasalangit ko na lang Ako ay ako lang Buong mundo'y s'ya ang hirang Sa panaginip man 'Di s'ya magiging akin kailanman